Fanmoment

Ayown, mag-iisang buwan na sa May 12 ang amazing fangirl moment ko with Kean Cipriano and Callalily! Pero grabehan lungss pa rin ang tama ko. Maimagine ko lang ang moment na yun, napapangiti ako ng wagas. Simple lang naman hinangad ko that time, ang mapansin ni Kean at makapapicture ofcourse sa kanya. Eh sa kina layo layo pa naman ng nilakbay ko. chos! Nagbakasyon lang naman sa Manila e. Pero may tumayming ding gig. Hurray! Pero yun nga sa di inaasahang panahon, nakajam ko pa sya and Callalily. Biruin mo nga naman kapalaran!Swerte! haha!
Ayown, Mga pass 10 na nga ako nakarating nun sa Sazi's Bar along with my cousins na linibre ko lahat para lang masamahan ako dun. Haha! Para mas masaya! Akala ko late na kami pero buti naman maluwag pa ang bar at nakapag pwesto pa kami ng maayos. Ayon tumugtog na ang Gracenote and then 6cyclemind. Nakapagpicture na kami sa ibang bands, wala pa rin ang Callalily. Nasan na kaya sila? haha! Ayown, mga pass 12am na, dumating din sila. Si Kean, nasa dulong table malapit sa door. Eh medyo senglot na kaya nakalapit ng may lakas na loob. HAHA! At dahil sa aking mentot na syang driving force ko. Ayon umariba agad sa picture. Andami ko lang shots with him. HAHA! So ayon kunting kwentuhan, nakalimutan ko na nga yung iba kasi I got lost with the moment with him. haha! At nakalimutan ko nga na hinawakan nya pala ko ng ganito. haha
Grabehan lang sa higpit ng kapit a. haha! I'm still in awe with this pic. Panget man ng pagmumukha ko jan. Mukhang tuwang tuwa naman si Kean na makasama ako, may pakagat-labi pang nalalaman. Waaa! Nakakaloka! haha!
Ayon kwentuhan habang nagpipicture. Sabi nya, kamusta si Ate tins? (Kilala nya rin kasi tita ko, and naging close din sila because of my fangirling moments in Iloilo. Haha). Sabi ko, okay naman po. Nasa Paranaque e, sa bahay nila. Tas sabay pakilala ng mga pinsan ko. Tas sabay turo sa mga graduates. Ah si Carol pala, yan gagraduate pa yan mamaya pero sinamahan pa ako dito. (Yang mentot ko kasi gagraduate pa, pero sinuporatahan pa ako ha. At aatend di nga pala ako sa graduation niya, wala ng tulugan)
Kean: Taga Iloilo din ba sila? (Naks alam pang taga Iloilo ako, di nya nga lang nabanggit name ko this time)
Ako: Ay hindi taga Sampaloc po sila. Kean: Lapit lang pala e. (haha! malapit pa ba yun? medyo lang.)
Ayon nakalimutan ko na ang iba e. haha! Parang tropa lang sya kung kumausap e. That's another thing that I love about him. Humble pa din at super approachable. Tas yun inaya nya pa kaming kumaen ng chicken. ahaha! Pero lam niyo may kausap syang girl that time. Ginigitarahan nya pa nga e. hmmm.. Sino kaya yun? haha! Bahala na, basta ba't sabi niya na wala pa din siyang girlfriend. Dun ako maniniwala.
Another factor of my fangirling, hinawakan niya cellphone ko. Shikksss.. Andami na kasi naming papicture moment. Kaya sabi niya, "Patingin naman ng pictures."
Waaaaa!! Kaya't pinagkakaingatan ko tong cellphone ko e. haha!
Heto pa yung ibang pics...
Ang sweet lang ng yakap nya sakin dito! wuhooo!!
Naiiyak ako sa tuwa! haha..
|
Heto nga yung vid. Pasensya, fail ang boses. Di rinig. Di ko na nga naririnig sarili ko nung kumanta ako that time. Nakakaloka na e! haha! Halata naman no? whaaa. Promise pag may next time Pa, gagalingan ko. Happy lang! I got another hug again at pinalakpakan nya pa ko. wahaha!
THAT's IT FOR NOW fellas. The journey of this fangirl goes on, hanggang sa mapangasawa ko na si Kean. haha!! Ambisyon! Basta I'm here to love and support him. Even in simple ways, he always makes me happy! Even just the thought that he's existing, makes me feel so inspired. Thanks sa inspiration. Thanks sa atensyon. The best ka idol!
I love you Kean Cipriano! I love Callalilyband! I hope to see you soon.. soonest perhaps!
FISTBUMP tayo next time.
More fan moments next time. ARRIBA ARRIBA!
xoxo, harliequeen
Comments
Post a Comment