ONE STAGE. ONE NIGHT experience

How would I start this? haha ayown, basta masaya lang ako. Di man nafulfill mga expectations ko, masaya pa rin coz it’s God’s way of fulfilling it. It’s fated to be.
Sa key dami daming conflicts na dinaanan ko, mga hindrances sa pagpunta ko sa first ever major concert ng mahal kong si Kean. Grabe hindi na ko makatulog sa kakaisip ng mga problema ko. Basta’t sabi ko, pupunta pa rin ako sa concert ni Kean! Bahala na si Aquaman!
God is so good nga. Dati pinuproblema ko kun pano ako makakapunta sa concert, kung may himala pa kaya. Ayon, tita ko nagsponsor. Ayos to a! Pati plane ticket. Ayiee!! miracle. Tas ayon, set na ko to go to Manila on Nov25. I applied for a Job, di ko naman inasahang papasok ako, tas yun direchang training for two days, 24-25. Di pwede absent. Patay! hassle! Pano kaya? Baka magkaaneurysm na ko sa kakaisip nito. Haha! At ayon, I asked my tita’s assistant if pwedeng iparebook ang ticket. eh, sarado na daw yung agency at 6pm. Ayon, kinabukasan.. still waiting for a miracle.. still waiting if I’ll attend on the training or go fix my things for MLA.. Pero syempre sayang din ang oppurtunity e, once absent sa training, subject na for termination. Nako po! I’m torned! At ayon, ayos na! I’ll be flying daw on the 26th 3:35pm. Araw na mismo ng concert! woah! kakayanin ko to. haha Akalain mo, iisa na lang ang ticket na yun for that day and on that time. Grabe! Ang galing ni Lord. It’s meant to be. Di na nga pwedeng iparebook yung ticket, kumuha na lang ng bago. Atleast! meron pa! wew.. now that’s a relief na! so I trained for 2 days on the 24th and on the 25th.. that’s from 12-9, pagod. 26 came. Bahala na! I’ll make the best out of this day! Nanalo nga ako sa meet and greet passes, di naman ako umabot ng 4:30pm. Syempre, 3 nga flight ko. Ayon, inantay nga namin si Kuya Darwin(manager ni kean), basta sabi niya makikita ko daw si Kean.

Grabe di ko lubos maisip, nandito na ko sa labas ng Aliw Theater. Haha!! parang kagagaling ko lang sa Iloilo a. haha
woah! Successful ang concert! And I’m so happy for Kean!! and for all of ‘em. Grabe the whole time I was watching, parang OH M.. nandito na ko. I was making the most of that moment. damang dama ko. Pagbukas ng curtains, pagstart ng concert— pare, mangiyak ngiyak si Ate. I was so happy! Hindi ko lubos isipin na nandun na ko. Sa kedami dami kong pinagdaanan para maparito. This is it pare! My unkaboggable experience!
So ayon, tapos na ang concert. Akalang uuwi ako na dismaya dahil hindi ko man lang mamimeet and greet si Kean ng malapitan. Sabi nga ng Tita ko, “Ga, if ever di mo makita si Kean, wag kang magtampo sa kanya ha. Syempe, super overwhelmed sya ngayon”. Sabi ko, “oo nga tita”. Basta I’m here on this very night.
At ayon, pinalabas na lahat sa lobby.. at nag-aantay na lang kami sa labas. We’re waiting for Kuya Darwin’s text. At nakanang tupa, magloLOWbat pa cellphone ng tita ko. Waaaa mga pagsubok nga naman. At ayon, nagreply si Kuya Darwin at tinawagan nya pa tita ko, sinundo kami sa Lobby. Papuntang dressing room… OH M.. this is it…
At everytime na naalala ko yun, nakapikit, ngiti.. sabay kanta “heart beats fast.. colors and promises… lalalala.. one step closer… I have died everyday waiting for you..” (yung OST sa breaking dawn #athousandyears)
Uo. Ako na baliw kay kean. Mahal na mahal ko lang sya kasi. At sayang naman kong hindi ko mabibigay pasalubong ko at gift sa kanya, personally. Pinag-effortan ko pa naman galing Iloilo. haha sauce!
haha at eto na :)) *ngiting wagas. uy si kuya nasali pa sa picture. never mind! haha!

hawak ko abs nya tol. tigas. joke! Well, ang thought na nakayakap ako sa kanya, ang kamay niya sa buhok at balikat ko. Ang ulo nya nakasandal sa ulo ko. waaaaa! at nandun ako sa sinasabi nyang “the best night of his life”, naiiyak ako sa tuwa!! totoo!! haha! dramatic!
Kahit pang-ilang kita ko na sa kanya, nasstarstruck pa din ako dude. Di na naman ako makapagsalita. haha! nanginginig ako! haha! hay naku!
lels. taba ko dito. nakakainsecure. Bahala na basta’t may picture kami. Uuwi akong Iloilo nang nakangiti. HAHAHAHAH! I was thinking of losing pounds na talaga!! next year! promise! para to kay Kean Cipriano, magpapaganda ako. haha Pshone and Nam ang drama. Basta, for you.. I’ll strive to be successful and beautiful. chos!
And thank you! dahil wala ka pa ring kupas.. syempre pogi pa rin at napakabaet!
Yun, uuwi akong Iloilo na nakangiti kasi sabi mo mag-ingat ako. asus! haha! kilig!
ang pogi kong idol at ang tita kong maganda (parang dalaga lang o)
yan, malaking utang na loob ko kay tita tins! Binilhan na nga ako ng plane ticket, ng concert ticket, sinamahan pa ko sa concert. Nag-enjoy kami super. Haha! natatawa lang ko sa mga pinagdaanan nya for me, mga pinagdaanan namin, kahit ng dati pa, para kay Kean. Nakakaflatter lang. Para lang sa akin, ginawa nya yun. huhuhuhu I love you titamom! Buti na lang friendship kayo ni Kean at malakas ka kay Kuya Darwin! at syempre kay Bro!
malaki ang pasasalamat ko sa dalawang taong ito. Without them, it would not be possible!! Again, thank you tita tins! Maraming Salamat Kuya Darwin! Congratulations!! 

At ayon! Ngiti! Ngiti!! Tingnan mo itsura ko ngayon! Wagas ang ngiti! Nanigas na panga ko! hahahaha!!
late dinner at Chillbox. haha! nagpagutom sa concert, midnight na nagdinner. haha! Nabusog naman ako kay Kean Cipriano! haha
yeah yeah! Boom Baby ayos!! One Stage One Night. One of the best nights in my life!!
It's the first ever major concert I've attended in MLA. OPM pa. Mabuhay ang OPM! Proud to be Pinoy! Proud to be keanista/callalista! surely unforgettable!


Eto na ata ang pinakashort kong stay sa MLA. “Daw nagsimhot lang”. haha “Hambal gane sang classmate ko, daw naghalin ka lang Molo pa Jaro ba.” hahaha! Short but meaningful weekend vacation! haha!! ONE NIGHT ONLY!!
At ngayon, andito na ko sa Iloilo. Parang kahapon lang yun. Nabaliw sa Aliw Theater.. Salamat sa experience Kean Cipriano! Salamat sa inspirasyon. Make more great music and touch lives. You deserve that night. You owned it. I love you! so much!
Ayun, first day of Job bukas. I’ll be so inspired. Thanks to you. :))

Comments

Popular Posts